bakit ganun..?

, 1 comments

Alam mo, mei mga bagay na hindi na tinatanong dahil mahirap sabihin.. hindi porke’t ayokong magsalita, ayoko na sa relasyong ito.. minsan ayoko lang ng maxadong maraming arguments.. kasi napapgod din ako sa awayang lingo-linggo ata.. at hindi dahil napapagod ako, ibig sabihin nagsasawa na ko.. minsan kelangan lang din naten ng break.. kino-consider ko din un, kaya pinapayagan kitang sumama kila dyuli kahit wala ako.. ayokong masanay ka palagi na ako ang kasama.. na halos (katulad nga ng sabi mo) saken na lang umikot ang buhay mo.. ang gusto khit magkahiwalay tayo, may sarili ka paring identity.. kaya mo pa ring mag-enjoy.. dapat ikaw pa rin si ugin, hindi ka lang boyfriend ni issa.. gets mo ba ko?

Sana naisip mo na hindi porke’t hindi ako nagsasalita, ibig sabihin natitiis na kita.. mali. May mga panahon kasi na mas mabuting pabayaan ko na lang na ganun kesa makipag-argument.. mas gusto kong pag nag-away, hindi na kelangang magsigawan sa jeep, basta ang gusto ko, pag hinawakan ko ung kamay mo, okei na un.. hindi na kelangang pag-usapan.. at least chaka na, pag maraming oras na makakapag-usap, hindi ung saglit na panahong nasa jeep—kahit anong gawin naten, hindi tayo makakapag-usap ng maayos dun..

Nakakalungkot isipin na hindi pedeng mawala ung isyung talino pag mei misunderstanding tayo.. alam mo ba ung pakiramdam mo pag nanliliit ka dahil tingin mo malaking isyu saken yun? Mas grabe pa nararamdaman ko pag napapag-usapan un.. lintek, anong koneksyon nun sa anumang pinag-aawayan naten? Just in case hindi mo pa nga ako kilala, ung isang usyu na un ang pinakaayaw kong marinig kung may kaaway ako… ano naman kung matalino ako? Ano naman kung scholar ako? Ibig sabihin ayoko ng mapalibutan ng mga tanga, ng mga bobo? Punyetang utak yan!! Ayokong isipin na ang tingin mo saken, mahalaga para saken na ang boyfriend ko dapat matalino.. tuwing magkasama tayo, wala ba tayong ginawa kundi magsagot ng logic quiz?? Syempre sa tagal naten, akala ko hindi mo na iisipin un.. pero sa tuwing sinisingit mo un, hindi ko maiwasang isipin na un nga ang tingin mo saken…

Anyway, naisip ko din na tuwing nag-aaway tayo, hindi ka pumapasok.. pinapabayaan mo ung grade mo.. hindi mo ba naisip kung pano na kung nagkabati tayo? Maibabalik mo pa ba ung absent mo? Tas pag nakakuha ka ng mababang grade.. self pity ka na naman, tas magiging isyu na naman… paikot ikot lang tayo..

Pano ko maasahan na mei matatakbuhan ako pag mei problema ko kung parang mas mahina ka pa saken? Bakit parang ako pa ung dapat yung manuyo palagi? Hindi ba pedeng dahil mei boyfriend na ko, wala na kong maxadong problema dahil may aasahan na ko?
Nakakalungkot naman na sa simpleng bagay, umaabot tayo sa ganito.. hindi kaya dahil subconsciously, nagkakasawaan na tayo? Alam ko sinabi mong hinding-hindi ka magsasawa saken, at sinabi ko din un sayo.. pero hindi mo ba napapansin na bigla na lang lumalaki ung mga pag-aaway naten? Natatakot ako, kasi ayoko pang matapos to dito.. sigurado ko, mami-miss kita agad—baka sunduin pa kita para mapilit kitang pumasok.. natatakot ako kasi alam ko marami pa tong kasunod.. pano kung hindi na simple ung simula? Pano kung masyado na tayong napagod? Ayokong isipin kung ano pedeng mangyari..

Nakakatawa na kahit anong gawin kong pag-iwas, naghihintay pa rin akong magtext ka kahit wrongsend lang na para kay dyuli dapat..

Hindi ako makatulog.. nagsusulat ako na nakapatay ung ilaw para walang makakita na umiiyak ako.. nagagalit ako sayo.. nalulungkot ako.. kinakabahan ako sa pwedeng kalabasan nito, nawawalan ako ng ganang kumilos, naiinis, naguguluhan.. pero hindi ko maintindihan ung sarili ko kung bakit inaasahan kong tatawag ka pa rin samen…
At bakit kahit hindi mo napapansin, gusto ko pa ring maniwala na nakikita mo chaka naa-appreciate yung mga effort ko, kahit pagkatapos sasabihan mo pa rin akong walang pakialam sayo o sa relasyong to…

Retreat na namen sa Friday.. pahinga muna tayo until then..

aking ina...

0 comments

birthday ni mama ngaun!! mei friendster na xa.. hehe! missing her.. (bkit daw mas mrame png pix c ugin s fster ko kesa sa knya..)

2 months b4 paper anniv..

, , 0 comments

h10m na! gnda ng venue.. cavite!! tekyu kei sir garin at sir diosana.. napilit nmen na sumama sa pagsundo sa mga boy retreatants... tenkyu din kei kuya driver, kuya janitor at kuya GSD.. at sa mga corny green jokes nila..!

high school musical 2..

rambutan..

buko, ube, and mango tarts (ninong mark! mwuah!)..

rc..

sa mga bading na nagalit smen for stealing their spotlight (solo na nila ung boys if not for us.!)..

french fries..

kare kare ng la sallete retreat house..

pcc bus..

kei diding na naggigitara at sumasayaw..

at kei udeng na isinama ko sa ipinamimigay nyang heart... nakupenda!

(tenkyu din kei joan for forfeiting her bet on us.. matatalo ka din nman if ever eh! hehe! )

ode to a gypsy (story of my life)

0 comments

diaphanous grief is reflected in his eyes
a basilisk with fangs aimed at the void
living a life of doubts and fears and lies
he will stop at nothing for vengeance: be shaken, be awed!
a doggerel inhibits his whole system
the gleam in his eyes cannot be imbibed
the bird of passage focused on the dictum
he is still the fittest; he will survive
but then quiescence took over, and alas
stillness overwhelmed-- the lion laid with the lamb
tears of a phoenix in his heart had passed
requiescat in pace: he was left numb
the grief was gone, he was a gypsy no more
but then his journey ended-- what more could he ask for?
(this is my own story.. thank you my phoenix for saving me..)

stone tablet

0 comments

most of my written works were usually misplaced.. (burara xe..) kya from now on ilalagay ko na d2 ung mga isusulat ko.. sayang xe ung iba.. hehe! bsta ung nandto 2ndhand na, mga nde na-publish sa Crusader... get writing!!!

essayist of the year..!!

0 comments

sinulat ko lng to pra ma-remind ako na once in my life, natalo ko din c yno sa essay writing, hehe! idol.. (kelan ko kya mtatalo c kuya sherwin.. wishful thinking!! eh nuno ng katalinuhan un eh, hehe!)

2010 a life unaccounted for | Themes by raycreationsindia | Blogger Template by Blogger Template Place | supported by Blogger Tools