Dahil natulog ako kaninang tanghali, nahirapan na kong makatulog at naisipan na lang namin ni Udeng na mag-reminisce ng aming student days pagkatapos manood ng PBB DU. Una naming pinag-usapan ang mga lessons: kung paano niya mas gusto ang Biology samantalang mas type ko ang Chem at Physics, ang pagmu-multiply niya ng 10s sa conversion at ang pagcha-chant ko ng “mili, centi, deci, meter, deca, hecto, kilo!” Kasama din ang solar system na gusto niyang lesson, pag-absent tuwing Music at ang pagda-disect ng palaka habang inilalaban ko ang paglalagay ng sulfur sa jelly ace, pagwa-one-man-show para hindi magklase at pagtatahi ng pattern paper.
Maya-maya pa, adventures at misadventures naman. Siyempre, hindi mawawala ang “Number 2” experience kapag misadventures ang pinag-usapan. Pero walang tatalo sa kanya na pinatawag pa ang pinsan sa high school department para kumuha ng short kung ikukumpara sa akin na napa-Number 2 habang tumatakbo pauwi dahil na-late si Papa at ang kanyang bike sa pagsundo nung Nursery pa ako.
Ano ba ang reason of existence ng mga bata kundi laro? Mas uminit ang pagtatalo namin pagdating sa topic na ito. May sinabi siyang larong “Liwayway,” pero nung pinaliwanag na niya, parang “Chippy chippy gum” lang na pinalitan ng lyrics, ginawang love song. Siguro estudyante din yun na may crush kay Liwayway. Ayun, binago yung lyrics, kahit na medyo parang may problema sa original, dahil wala pa kong nakikitang bubble gum na Chippy ang pangalan. Tarzan o Bazooka meron, o kaya Tattoo. Yung Chippy chichirya lang.
Dahil sa Mindoro ako lumaki at dito siya sa Maynila, magkaibang magkaiba ang paglalaro namin. May isang larong takbuhan na may dalawang kampo ang pareho naming nilalaro pero hindi magkatulad ang paraan. Itinuro ko rin sa kanya ang “Younger,” pero palagay ko sa amin lang may ganun. Laro yun na para sa tatlo o higit pang mga bata. Itataas ang paa patalikod, parang itutukod sa pader. Dapat perpendicular sa tuhod. Tapos ganun din ang gagawin nung iba. Yung isang bata ipapatong ang paa sa may tuhod ng katabi, tapos siya din sa tuhod ng katabi niya, paikot. Parang human chain. Tapos iikot sila habang kumakanta ng “Younger, together again! My love for you is yuki yuki you!” na dapat hindi mahuhulog yung mga paa nila. Pwede ring gawin sa dagat habang naliligo. Hindi ko alam ang ibig sabihin ng “yuki yuki,” siguro yun ang version dati ng “toot toot!” pag bastos. Siguro lang.
Naalala ko rin na sa likod ng classroom naming may baging at tuwing recess, hihila lang kami dun ng isa para makapaglaro. Kaya naalala kong itanong kay Udeng dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin alam, at hindi niya rin masagot: “Ano ang tamang English lyrics ng Teleberd?”
PBB DU side thoughts:
What is your best physical asset?
Melai: My best physical asset is my hair, because you can see it is very curly but I don’t think it is my greatest asset but I think it is my greatest asset. *make face* Please do not be angry…
Tibo: Cooking…
Physical asset?
Tibo: Oh, physical asset. Understanding.
Physical! Your physical asset. (motioning and pointing at face)
Tibo: Yes, yes, physical asset. Well, I’m a simple guy. I’m understanding…
Physical, when you look at the mirror, what do you see?
Tibo: Uhm, I’m a simple guy…
Dude! No, I mean in your face! Eyes, ears, nose… Tibo: Nose, my nose.
*Whew.*