Heavy 53

, 0 comments

Pupungas pungas, isinara ang alarm ng
cellphone. Naligo, at umalis ng walang
lingon-lingon. (Naiwan pa ang baong ri-chee.
At ang gate, nakalimutang isusi.)

Lakad, takbo, lakad. Sakay ng dyip.
Lakad, takbo, lakad. Sakay ng fx.
“Legarda po.” Sabay abot
ng bayad. “Wag sanang ma-late” sabay
hinga ng maluwag.

“Norway, norway, ano ang 2-0 mo?”
“Walang madaanan dito
Kilo, pasakayin mo na lang ng
LRT yang mga 59’s mo. Lahat
ng eskinita sarado.”

“Heavy 53 dito sa Pandacan, wala
na ko malusutan. Toyota, saan tayo?”
“Patay tayo Oscar, hindi ko din alam
to.” Palatak ng boses sa radyo.

Nakabalandra sa kalsada ang mga tumitirik
na sasakyan, nagsu-swimming sa baha
ang mga batang walang muwang. Libre
ang entrance fee! Sa resort sa Santol Ave.
Pinasukan ng tubig ang tambutso ng
motor ng tagadeliver ng dyaryo. Hindi
malalaman ng mga pobre ang
latest tungkol kay Cory.

Hay naku, kung kelan ka sinipagan
saka naman walang napakinabangan.
10:30 na, sabi ng cellphone
ko, sana may breakfast meals pa
sa McDo. Kainis talaga, nakakabanas!
Mabuti pang umuwi at manood
ng Veronica Mars.

(O mag-internalize bilang si
Lolo Pepe. Baka sakaling manalo
pa ng Noli.)

0 comments:

2010 a life unaccounted for | Themes by raycreationsindia | Blogger Template by Blogger Template Place | supported by Blogger Tools