bakit ganun..?

, 1 comments

Alam mo, mei mga bagay na hindi na tinatanong dahil mahirap sabihin.. hindi porke’t ayokong magsalita, ayoko na sa relasyong ito.. minsan ayoko lang ng maxadong maraming arguments.. kasi napapgod din ako sa awayang lingo-linggo ata.. at hindi dahil napapagod ako, ibig sabihin nagsasawa na ko.. minsan kelangan lang din naten ng break.. kino-consider ko din un, kaya pinapayagan kitang sumama kila dyuli kahit wala ako.. ayokong masanay ka palagi na ako ang kasama.. na halos (katulad nga ng sabi mo) saken na lang umikot ang buhay mo.. ang gusto khit magkahiwalay tayo, may sarili ka paring identity.. kaya mo pa ring mag-enjoy.. dapat ikaw pa rin si ugin, hindi ka lang boyfriend ni issa.. gets mo ba ko?

Sana naisip mo na hindi porke’t hindi ako nagsasalita, ibig sabihin natitiis na kita.. mali. May mga panahon kasi na mas mabuting pabayaan ko na lang na ganun kesa makipag-argument.. mas gusto kong pag nag-away, hindi na kelangang magsigawan sa jeep, basta ang gusto ko, pag hinawakan ko ung kamay mo, okei na un.. hindi na kelangang pag-usapan.. at least chaka na, pag maraming oras na makakapag-usap, hindi ung saglit na panahong nasa jeep—kahit anong gawin naten, hindi tayo makakapag-usap ng maayos dun..

Nakakalungkot isipin na hindi pedeng mawala ung isyung talino pag mei misunderstanding tayo.. alam mo ba ung pakiramdam mo pag nanliliit ka dahil tingin mo malaking isyu saken yun? Mas grabe pa nararamdaman ko pag napapag-usapan un.. lintek, anong koneksyon nun sa anumang pinag-aawayan naten? Just in case hindi mo pa nga ako kilala, ung isang usyu na un ang pinakaayaw kong marinig kung may kaaway ako… ano naman kung matalino ako? Ano naman kung scholar ako? Ibig sabihin ayoko ng mapalibutan ng mga tanga, ng mga bobo? Punyetang utak yan!! Ayokong isipin na ang tingin mo saken, mahalaga para saken na ang boyfriend ko dapat matalino.. tuwing magkasama tayo, wala ba tayong ginawa kundi magsagot ng logic quiz?? Syempre sa tagal naten, akala ko hindi mo na iisipin un.. pero sa tuwing sinisingit mo un, hindi ko maiwasang isipin na un nga ang tingin mo saken…

Anyway, naisip ko din na tuwing nag-aaway tayo, hindi ka pumapasok.. pinapabayaan mo ung grade mo.. hindi mo ba naisip kung pano na kung nagkabati tayo? Maibabalik mo pa ba ung absent mo? Tas pag nakakuha ka ng mababang grade.. self pity ka na naman, tas magiging isyu na naman… paikot ikot lang tayo..

Pano ko maasahan na mei matatakbuhan ako pag mei problema ko kung parang mas mahina ka pa saken? Bakit parang ako pa ung dapat yung manuyo palagi? Hindi ba pedeng dahil mei boyfriend na ko, wala na kong maxadong problema dahil may aasahan na ko?
Nakakalungkot naman na sa simpleng bagay, umaabot tayo sa ganito.. hindi kaya dahil subconsciously, nagkakasawaan na tayo? Alam ko sinabi mong hinding-hindi ka magsasawa saken, at sinabi ko din un sayo.. pero hindi mo ba napapansin na bigla na lang lumalaki ung mga pag-aaway naten? Natatakot ako, kasi ayoko pang matapos to dito.. sigurado ko, mami-miss kita agad—baka sunduin pa kita para mapilit kitang pumasok.. natatakot ako kasi alam ko marami pa tong kasunod.. pano kung hindi na simple ung simula? Pano kung masyado na tayong napagod? Ayokong isipin kung ano pedeng mangyari..

Nakakatawa na kahit anong gawin kong pag-iwas, naghihintay pa rin akong magtext ka kahit wrongsend lang na para kay dyuli dapat..

Hindi ako makatulog.. nagsusulat ako na nakapatay ung ilaw para walang makakita na umiiyak ako.. nagagalit ako sayo.. nalulungkot ako.. kinakabahan ako sa pwedeng kalabasan nito, nawawalan ako ng ganang kumilos, naiinis, naguguluhan.. pero hindi ko maintindihan ung sarili ko kung bakit inaasahan kong tatawag ka pa rin samen…
At bakit kahit hindi mo napapansin, gusto ko pa ring maniwala na nakikita mo chaka naa-appreciate yung mga effort ko, kahit pagkatapos sasabihan mo pa rin akong walang pakialam sayo o sa relasyong to…

Retreat na namen sa Friday.. pahinga muna tayo until then..

1 comments:

  1. Anonymous Says:

    hindi ko maintindihan.... pwede paki paliwanag? hehe! nagsasawa ka na ba sa akin? wag naman sana... hindi ko po kakayanin na mawala ka sa akin... tungkol dun naman sa pagsama ko kila dyuli, gusto ko din naman na kasama kita pag pumupunta don, pag hindi kita kasama ayaw ko pumunta... wala ka na magagawa dun, un na yung rule ko...... mahal, wag ka po magsasawa ah... hindi na kita pipiliting magsalita sa susunod, basta pag hinawakan mo kamay ko okay na un... cge, dapat hawakan mo na kamay ko agad para di na lumala ah.. hehe! mahal na mahal na mahal na mahal kita... FOREVER BABY!!!!!!!

2010 a life unaccounted for | Themes by raycreationsindia | Blogger Template by Blogger Template Place | supported by Blogger Tools